Sunday, March 21, 2010

Light after Dark

apat na araw na bakasyon at maraming nakabinbing gawain. May finals na isasagawa sa lunes at miyerkules, mga artikulo na kailangang ipasa sa publikasyong kinabibilangan ngunit ano ba't tila ayaw makisama ng aking utak?

maraming kailangang isulat ngunit ni isang salita ay walang mapiga mula sa aking isip. biyernes pa lamang pinagpaplanuhan na ang dapat na gawin para sa script na gagamitin para sa finals. Ayos may nagawa kahit papano. akala ko madali na nag mga susunod na gagawin. ang dialogue. lumipas ang sabado nang wala akong naidagdag sa script na kailangan nang matapos bago maglunes. linggo na pero heto at wala pa rin. lumipas ang umaga, tanghali, hapon at ngayon, gagabi nanaman at ngayon pa lamang ako naghahase na makagawa para magamit kinabukasan. ang pinalanong family setting ay kinansela at humingi ng tulong mula sa isang matabil na nilalang. nag paalam kung maaring gamitin ang kanyang talambuhay at sa kabutihang palad, ako ay pinag bigyan.

ngayong gabi hanggang umaga, binabalak kong tapusin ang script na nakalaan para sa aming finals. sana mabigyang hustisya ng aking mga salita ang hirap na kanilang dinanas at sana, mabigyang hustisya rin ng mga gaganap ang kanilang mga papel

No comments:

Post a Comment