
Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayamang lugar sa buong mundo, sa katunayan limampung porsyento ng mga bagay na may buhay sa bansang ito'y sa dito lamang makikita. Ngunit sino nga ba ang nakikinabang sa kayamanang ito? Tayo ba o silang mga buwaya na unti-unting nilalamon ang pagkatao at buhay ng ating bansa?
Ang Pilipinas ay tinaguriang panglima sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming mineral--mga mineral na hindi rin pinakikinabangan ng mga Pilipino. Ang mga dayuhang ito lamang ang nakikinabang at iniiwan tayong walang-wala. Bakit? Dahil hindi tayo nakikialam. Hinayaan natin ang mga taong ito na kunin ang talagang atin.
Ilang taon na ba tayong ginagawang parausan ng madlang sakim? Masyado nang matagal sa aking paningin. Tayong mga kabataan ang magmamana ng lahat nang ito sa bandang huli. Hahayaan pa ba natin na muli tayong gahasain? Noon, isang malaking pinsala na hanggang ngayon ay matatanaw pa rin. Ngayon nagbabalak ang Mindoro Resourse Limited na magbukas ng panibagong minahan sa Southern Tagalog particular sa Rosario, Taisan, San Juan, Lobo at Batangas City. Kabataan, may boses ka--may boses tayo. Lupain natin ang nasa panganib. Pigilan natin ang pananalasa sa ating kalikasan. Subalit...mag-ingay man tayo ay wala rin naman tayong magagawa. Kahit gaano katagal nating kalampagin ang tarangkahan ng magarang tahanan, ipadudukot, pahihirapan, papatayin...buburahin sa mukha ng daigdig nang walang iniiwan kundi mga bakas ng pagkatao at ang tinig na naghuhumiyaw sa galit. Galit na umusbong mula sa mga taong mapang-api...dalamhati para sa mga taong nasawi...iyan ang kahihinatnan natin.
Ang emosyong ng mga Pilipino, partikular ang mga kabataan ay tila kanser na kumakalat sa lipunan. Kanser na pilit pinapatay ng chemotherapy ng gobyerno. Pilit tayong pinapatay sa ating bayan.Sa makialam tayong mga kabataan at sa hindi...hanggang may buwitreng nakaupo sa trono ng hari at ng kanyang mga kabalyero, iisa lang ang lumalabas...HINDI TAYO ANG NAGMAMAYARI NG LUGAR NA IPINAGTANGGOL NG ATING LAHI.
Gapos...busal...piring...ang hari ay walng nakikita, naririnig at sinasabi (iniuutos) na para sa ikabubuti ng kaharian kundi para sa kanyang sariling adhikain...sa kanya, at sa serpyenteng nagmunkahi.
maganda nilalaman ng essay na ito, sadyang HINDI TAYO ANG NAGMAMAYARI NG LUGAR NA IPINAGTANGGOL NG ATING LAHI.
ReplyDelete