6:45 am
Call time ng grupo paramagkitakita. 6:47 am na siguro ako nakarating sa tagpuan habang hinihingal...
8 or 9 am na ata
Nakarating kami sa Nonong Casto ng buhay (lol) nauna sa amin ang SEC ng paaralang pinapasukan namin. Pag dating, nag paregister na kami kasama ang isa pang publikasyon ng ibang paaralan.
Skip na tayo ng details sa mga talks
Unang nagbahagi ng mensahe si Ka Nonie kung tawagin. Siya ay kabilang sa GABRIELA at nagbahagi siya ng ilang impormasyon tungkol sa GABRIELA at sa pang aabuso sa kababaihan at kabataan.
Ikalawa si Mark Louie Aquino, ang tumatakbong Kongresista ng nasabing partylist. Masaya ang paguusap na naganap. Nakakainit lang ng ulo ang mga taong hindi marunong makinig at nagpapapansin sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga kwestyon na may sampung beses na atang nasagot. Ang nakakatuwa pa nito, gradweyt siya ng paaralang kapitbahay namin.
Nagkaroon ng apat na dibisyon ng pagpupulong: youth situation, environment, worker related at human rights violation.
kabilang ako sa environment dahil iyon ang tema ng essay writing contest na sinalihan ko. Masaya din, madami akong natutunan kung di lamang sa katabi kong dalawang nag-uubeng halaman dagat na nagsisigarilyo at nagpapatunog ng mp3 sa kanilang cellphone
pagkatapos ng group discussion, nakausap ko si Louis Aquino kilig naman ako hehe pero madami akong natutunan sa kanya.
Solidarity Night
Nag pulong pulong ang pangkat namin sa gagawing programa kinagabihan mamamatay ako sa katatawa pero masaya. SOBRANG MASAYA.
Naging mabagal ang daloy ng mga pangyayari pero matapos mapanood ang ilang video clips tungkol sa iba't ibang kasinungalingang hinabi ng gobyerno para ipakita sa lipunan...napagtanto ko na oras na para makialam ako...apektado din naman ako sa mga nangyayari...ako at ang mga susunod pang henerasyon.
Natapos ang gabi...pagal dahil sa biyahe at sa init ng araw...binalak ko nang matulog pero inatake ako ng pagiging nocturnal ko kung kaya't sinundan ko sa program ar
ea ang isa sa mga kasamahan ko at nagdiskusyon kami kasama ang iba pang patnugat ng Kabataan Partylist tapos di ko inaasahang makakausap ko si Axel Pinpin...akala ko sa t.v lang nangyayari ang mga bagay na dinanas niya..hindi pala....
Nagpaalaman na lahat, nagbalik na kami sa cottage na nakalaan sa grupo namin...pero hindi pa din ako makatulog...ilang oras ko ring pinagmasdan ang kisameng hindi gumagalaw habang hinihintay ang pagsikat ng panibagong umaga. It was a very life defying moment to have your eyes open to the truth. KAKAIBA.
Ikalawang Araw February 27
- Voters' Education...mahirap intindihin...pero madali lang pala
- Essay, Poetry and Extemporanius Speech contests
- Speech ni Ex Governor na tumagal ng ilang oras kaya 3pm na kami nakapananghalian
- Hindi na tinapos ng aming publikasyon ang programa dahil may iba pa kaming lakad kung kaya't ang SEC na lamang ang nagrepresinta sa amin <3
Dalawang araw at isang gabi. Sana maulit pa ang mga pangyayari.
No comments:
Post a Comment