Thursday, July 8, 2010

EKSENA SA LIKOD NG ISANG TULA

Nakasubsob na nagsusulat si Pablo at bawat pagpasok ng hangin sa kanyang mga baga asy tila nagdudulot ng ‘di maipaliwanag na sakit. Malalim na ang gabi ngunit ang pag-buhos ng kanyang emosyon ay tila dagat na hindi mapigilan ang pag-alon. Matagal-tagal na rin nang huli niyang ibuhos ang buong konsentrasyon sa pag-susulat. Buhat nang dumating at umalis si Luisa. Ilang buwan din siyang naglunoy sa depresyon na nagsilbing kakampi, kaibigan, at karamay sa mga gabing tulad ng ngayon.

Ilang berso na ang kanyang naisusulat nang ibaba niya ang lapis; wari’y upang ibsan ang sakit na hanggang sa ngayo’y away siyang hiwalayan. Binasa niyang muli ang mga bersong namutawi sa kanyang dili-dili.

“Ngayong gabi, isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Isulat halimbawa, ‘ang gabi ay pira-piraso at ang mga bituin
Ay nilalamig sa malayo’

Umiikot ang hangin sa langit…at umaawit.”

Muling bumalik ang mga ala-ala, ang bawat halakhak, lambingan…at muli, ang pag dagsa ng hapdi sa pusong tila luyang dinidikdik…ang pag balong ng mga luhang di mataks-takasan. At kasabay ng lahat ng ito, isang pangungusap ang umaalingawngaw sa kanyang halos durog na pagkatao…”ngayong gabi isusulat ko ang pinaka malungkot na tula…”

Muli niyang dinampot ang lapis at nagsimulang magsulat…kasabay ng bawat letra ang masasakit na alaala. Ang mga masasayang sandali tulad halimbawa nang unang pag-ibig, ang tamis ng bawat yakap at halik…kung paano, minsan sa isang gabing tulad ng ngayon sila’y tumangla sa langit, sabay na nangarap sa gitna ng mga yakap at halik.

Ngayong gabi, isusulat ni Pablo ang pinakamalungkot na tula upang ipaalala sa sarili na si Luisa ay wala na. Isinulat niya ang pait, paghihikahos at kawalan ng pag-asa…mga bagay na kanyang nadama nang matapos ang pag-iibigang minsan niyang inakalang walang katapusan…kung paanong ang bawat araw ay naging isang sumpa; at muli, pumatak ang kanyang mga luha. Nagtataka kung bakit hindi naging sapat ang kanilang pagmamahalan…kung bakit si Luisa ay hindi siya ipinaglaban; kung bakit siya iniwan.

Sa tahimik na pag hikbi, isinulat niya ang kanyang pangungulila, ang mga araw na pilit niyang hahanapin ang pagmamahal ni Luisa…kanya ring isinulat ang kahungkagang nadarama ng kanyang pagkatao, kung paanong sa isang iglap na lamang, ang mundo niya ay nagbago. Kasabay ng pagbabago ang pagsikat ng bagong umaga, ang pagpaslang sa sakit na dulot ng pag asa na maibabalik ang nakaraan.

Ngayong gabi, isinulat ni Pablo ang pinaka malungkot na tula, sabay bitaw sa pag-iibigang nasira.


Note: Ang “istoryang” ito ay hango sa tula ni Pablo Neruda na nagngangalang TONIGHT I CAN WRITE THE SADDEST LINES. Hindi totoong “Luisa” ang pangalan ng babaeng nagpaibig kay Pablo, bagkus siya ay kathang isip lamang.

Ngayon gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula

Isulat halimbawa, "Ang gabi'y pira-piraso at ang mga bituin
ay nilalamig sa malayo."

Umiikot ang hangin sa langit... at umaawit.

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako.

Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig.
At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit.

Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya.
Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata.

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula.
Para isiping wala na siya sa aking piling, para maramdamang wala na siya.

Para marining ang matinding liwanag, na mas matindi pa kahit wala siya.
At ang mga berso'y nahuhulog sa damdamin na parang hamog sa damuhan.

Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko'y di sya kayang pigilan?
Ang gabi'y pira-piraso at wala siya sa tabi ko.

Ito lamang. Sa malayo may umaawit. Sa malayo.
Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Ang paningin ko'y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya.
Ang puso ko'y hinahanap siya, at siya'y di ko kasama.

Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno.
Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami.

Paanong minahal ko siya!
Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig.

Sa iba. Siya'y mapupunta sa iba. Tulad ng aking mga halik.
Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata.

Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit baka mahal ko siya.
Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot.

At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya.
Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig.

Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.
Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin.

No comments:

Post a Comment