Saturday, July 3, 2010

Sukatin Mo

Paano mo susukatin ang lalim ng pinagsamahan ng magkaibigan? Ito ba ay nakikita sa bilang ng oras, araw, linggo, buwan, at taon? Masusukat ba ang lalim ng pagkakaibigan kung bibilangin ang mga pagkakataong tinulungan niyo ang isa’t-isa?


Sabi ni Aristotle, ang magkaibigan ay isang kaluluwang nahati at napadpad sa magkaibang katawan. Pero sa tingin ko, hindi mo matatawag na “soulmate” ang kaibigan mo. Ayon namam kay Bob Ong, ang pagkakaibigan ay parang pag-aaral sa kolehiyo…gaguhan lang. Sumasang-ayon ka ba? Hindi ako naniniwalang gaguhan ang pagkakaibigan. gamitan, maaari pa. Peo paano mo matutukoy ang aktwal na pagkakaibigan sa pakikipag kaibigang gamitan?

Sa buhay ng isang tao, madalas mangyari ang mga pagkakataon na ang kaibigan mo pa ang mas tinuturing mong kaibigan dahil mas naiintindihan ka nila kaysa sa mga kadugo mo. Talamak rin ang mga pagkakataon na kinakaibigan mo ang mga blockmate mo dahil may tsansang matutulungan ka nila sa mga assignments, exams, projects at kung anu-ano pa.


Noong unang panahon, masusukat mo ang tunay na pagkakaibigan kung handa kang ialay ang buhay mo para sa kaibigan mong namatay sa isang digmaan; sa kasalukuyang panahon, masasabing kaibigan mo ang isang tao kung hindi niya inagaw ang boyfriend o girlfriend mo, pag madali siyang utangan at matagal maningil; kapag may gulo, sayo siya lagi kumakampi; hindi siya nagkakalat ng kung anu-anong kasinugalingan tungkol sa pagkatao mo; umiiyak siya kapag umiiyak ka rin.


Sa mga nabanggit, masasabi mo bang isa kang tunay na kaibigan? O mas napatunayan mong, kaibigang manggagamit ka rin lang?

1 comment:

  1. ang kaibigan sinasamahan kang magpagupit.
    at hinding hindi sya naiinip.

    ReplyDelete